Monday, February 21, 2011

Talambuhay ni Ferdinand Cortez



Talambuhay
Ako si Ferdinand calderon cortez  Jr. ang aking kapanganakan ay noong ika 16 hunyo 1995 sa bagong silang Caloocan city manila hindi pa man ako noon pinapnganak ang ina ay nakatira sa pangasinan doon siya nagaral ng elementary at high school ang pangalan niya nung siya ay dalaga pa ay mary historia calderon at aking ama naman ay ditto nad aral ng elementary at highschool ang kanyang pangalan ay Ferdinand bondad cortez hindi ko alam kung bakit hindi sila nakapagkolehiyo marahil siguro salat pa ang buhay nila noon.



Isang taon gulang ako
Sa bagong silang Caloocan city manilanagkakilala ang aking ama at ina at ditto na rin sila nagkaisang dibdib at ditto na rin sila nagkaroon na supling na babae t iyon ang aking ate.Parehas kaming dalawa n gaming pinasukang paaralan at ditto n rin siya grumaduate.At naman ay nag prep at kinder sa bagong silang Caloocan city manila at nung nagsisimula pa lamang akong mag aral tinuturuan na akong magsulat t bumasa ng aking tiyuhin at magulang at sila rin ang gumastos ng king pag aaral at ngpursigido talaga akong matuto apra hindi masayang ang lahat ng mag tulong at paggugol nila sakin t akoy nagpapasalamat sa kanila ng marami dahil sa pgtulong nila sa akin.At nung akoy nakagraduate na ng kinder ako ay nsabitan bilang isa s magaling bumasa at at akoy nagpapasalamat talaga ng marami sa mga tumulong sa akin kundi dahil sa kanila hindi sana ako matututong bumsa o magsulat kaya.At nung ako ay ng grade 1 na






Pitong taon ako dito



 kaya kami napalipat dito gawa ng aking ama na nagpasya na dito na  tumira sa San Pablo City,Laguna at ito ay sinangayunan ng aking ina at nung ako ay nagsisimula ng mag-aral sa unang baitang .Ako ay naninibago at nahihiya sa aking mga kaklase dahil una ko palang sila nakita .Kapag akoy pumapasok hinahatid pa ako ng aking ina o tiyahin.Tahimik lang ako sa silid aralan dahil wala pa akong kakilala sa kanila.Hanggang sa nagtagal ay nasanay na rin ako at kinakausap ko na rin ang aking mga kaklase.At paminsan minsan ay naglalaro na kami tulad ng sikyo at taguan.Minsan ay nakakasabay ko rin sila sa pagpasok at pag uwi galing eskwelahan. Tandang tanda ko pa nung ako ay nasa ika apat na baitang ay natuto akong maglaro ng soccer at napili kami na ipanlaban ng aming eskwelahan sa district meet.


Pang anim ako sa kanang unahan
 

Nung kami ay tinuturuan ng aming coach tanda ko pa ang mga ginawang pagpapahirap sa amin para lamang matuto ng husay at nung kami ay lalaban na kaming lahat ay kabado dahil 1st time lang naming na ipang laban ng school namin.Ang naging resulta nag laru namin ay nag "champion" ay grupo namin sa buong district meet,kami ang ipinadala para sa para sa darating na division meet o palarong panglunsod,lalong pinahirap ang aming "training" dahil hindi na katulad ito noong nakaraang district meet dito ay mag lalaban-laban ang buong San Pablo Laguna.Nang sumapit na ang araw ng division at mismong laban namin,syempre lahat kami ay kabado.nakalulungkot lamang na ang naging resulta ng aming laban ay kami'y talo sa unang laban at noong pangalawa laban,kami ay natalo muli pero ayos lang sa amin at tinanggap namin ito.


Habang nag hihintay muli sa susunod na laban ay pinapanood ang mga laro ng aming mga katungali.Nung kami ay lalaban na ulit kami ay sinuwerte at nanalo masaya kaming lahat na kahit papaano aay nanalo kami.Magaawarding na nun kahit na wala kami nauwing medalya


 ay ayus lang saaamin sa susunod ay baabawi na lang.Ang pinaghandaan naman namin aay ang nalalapit na graduation excited kaming lahat dahil magiging 1st year na kami nung nakagraduate na kami masaya lahat naaagbabatian,nagkakamaayaan din.Nagkaroon ng kaunting handaan at binigyan ng regalo.Nung kami ay maageenroll na sabay sabay na nagenrol lahat kami na papasok sa dizon high nung nakaenrol na lahat kami ay naninibago dahil bago na ulit ang magiging kaklase ko.Nung una ay kabado pero ng tumagal na ay naging ayos na rin ang lahat nagkaroon naa ng kakilala ng tumagal na rin ay nagkekwentuhan na rin naglalaro.Di ko aakalaing may soccer pala dito at nagtryout muli ako aaat napili meron din pala ng fieldemo kahit 1st time lang ay masaya naman kahit na mainit nung kami ay nagpapraktis.Sa paglalaro naman ng soccer dito ko pinagpatuloy nagtraing ng mabuti dahil mas lalong mahigpit na ang makakalaban namin ako ay nahihiya kase bago ang lahat ng naging ka team ko.Pero habang tumatagal ay nagkakakilala na kaming lahat nandyan na gaslawan tadyakan at harutan nung malapit na ang division meet puspusan kaming lahat sa pagpapraktis para ipapanalo ang laban.Nung mismong laban na namin lahat kami ay kabado dahil ang kalaban namin ay mas matanda pa saamin at ang naging resulta saa huli ng laban namin ay natalo ulit kami tinanggap namin ito at babawi na lang sa susunod na laban namin sayang kase muntik na kaming manalo.
Pang anim ako sa kanang itaas

  


Nung sunod na laban namin ay lahat kami ay kabado ulit pero ang nasa isip namin ay dapat manalo kami at ang naging resulta ng laban namin ay sinuwerte at nanalo kami tuwang yuwa kami una kase naming panalo iyon.Sa pangatlong laban namin ay hindi na muli kami nanalo nung nagaaward na kamim ay 3 lang.Pagkatapos ng laban namin at pagtatpos na rin ng division meet balik na ulit kami sa eskwelahan at nagaral ulit bumaba ang iba ng grade ko pero binawi ko ito sa susunod na grading at nung matatapos na ang taon bilang 1st year at magiging 2nd year na ako kala ko ay bababa ay aking section pero hindi pala aaaat naretain ang aking section ang iba kong kaklase ay bumaba ang iba naman aaaay tumaas magkakasama pa rin kami nung iba kong kaklase masaya naman kahit na nagbago ang iba at nagkaroon naman kami na panibagong kaklase.nung 2nd year ako ay muli akong sumali sa soccer at dito ako ay naapili saa stcaa meet na gaganapin sa bolbok batangas masaya ako dahil napili ako na division ng San Pablo para ilaban dito.Ang hindi ko malilimutang karanasan noon ay nung ako ay naa palarong pambansa na ginanap sa Gen.Santos sa mindanao na kahit kami pinalad naa manalo ay ayos lang saamin dahil paglalaro ng soccer ay nakasakay kami ng eroplano at naging athlete of the year pa ako nung ako ay nasa ikaanim na baitang.At ng second year nga nalalaro ako ng soccer naginanap sa batangas  na kahit hindi pinalad na manalo tinangap na min ito at sa isip ay bumawi sa susunud na stcaa.
   
    At ng ika-3 antas ng mataas na paaaralan ng dizon ay naranasan ko ang JS sa unang pag kakataon ng aking buhay.Naging masaya kaming mga kaibigan noon dahil marami akong sinayaw  na babae at hindi ko ito makakalimutan sa buong buhay ko hanggang sa pag tanda na min. Nakasali rin ako sa 'Intrams' kasama  ang aking mga kaibigan ko mahirap ito dahil na kakapagod pero masaya dahil nadadag dagan ang aking karanasan ko sa buhay  ngunit nalungkot ako dahil marami sa amin ang napahiwalay ng section pagkatapos ng taon.

At ng ika-4 na ako ng dizon high school ay marami akong naging kaibigan mga taong mapag kakatiwalan at makakasama sa bawat araw na lumipas sa aking buhay sa sila ay para ko ng mga kapatid dhil araw-araw na lang kaming mag kakasama at ngayon ay na lalapit na an gaming pagtatapos sana ay lahat lami ay makapagtapos ng pag-aaral at matupad an gamin mga pangarap hanggang dito na lang muna.



Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Jaeime Bolina Briñas


Isang malamig na gabi, bandang alas otso ng ika – 30 ng Setyembre 1994, isinilang ang huling anghel sa pamilya nina G. Rodolfo at Gng. Barsilisa Briñas.

Habang nanganganak ang ginang, ay iniisip naman ng ama ang magiging pangalan ng sanggol. Sa tulong ng mga matatanda na naghihintay sa paglabas ng bata upang masilayan ang mundong ito, ay nag-umpukan sila sa harap ng telebisyon at nagkasundo na kung sino ang babaeng lalabas sa telebisyon ay siyang pagkukuhanan ng pangalan ng bata. Lumipas ang ilang sandal kasabay ng pagluluwal sa sanggol ay ang paglabas ng mang-aawit na si Jamie Rivera upang kumanta. At ito ang naging simula ng aking talambuhay – ako bilang si Jaeime Bolina Briñas.

♥ isa itong larawan noong ako ay umabay sa aking Mama Maria..mukha akong inosente noh?! ♥

♥ arpee, mama maria and baby aldos..para akong boy sa hair ko dito but still pretty prin ♥

♥ weh! kasali din ako sa mga Santa Cruzan noong bata pa ako - CUTE ko dito noh?♥

Nagmula ako sa isang simpleng pamilya at lumaki na hindi ito buo. Hindi sa paraang magkahiwalay ang aking mga magulang kung hindi sa kadahilanang hindi naming kapiling ang nag-iisa kong kapatid na babae. Ang aking Lolo Pedro, Lola Reny at Mama Maria ang kinilalang mga magulang ng aking ate, si Jinky. Kinamulatan ko na ang ganito hanggang sa ngayon at naging dahilan din ito upang lumayo ang kanyang loob sa tunay naming mga magulang. Ngunit sa kabila ng lahat ay naging malapit parin kaming dalawa sa isa’t isa at naging maayos parin ang relasyon namin at ng dalawa ko pang kapatid na lalaki, ang Kuya Julius at Kuya Jovan.

♥ Sya ang aking ate Jinky ♥ 


Habang ako ay lumalaki ay maraming tao ang natutuwa sa akin dahil sa pagiging madaldal ko at matandang mag-isip kung minsan. Isa na rito ang pinsanin ng aking Mommy Reny na kung tawagin ko ay si Mama Estella, isang balik-bayan mula sa Australia. Ng magbakasyon siya dito sa Pilipinas kasama ang kanyang asawa ay giliw na giliw siya sa akin. Madalas niya akong buhatin at kuhanan ng larawan. Ninais nya din na ako ay isama sa pag-alis nya ng bansa. Wala kasi siyang anak na babae dahil mga binata na ang dalawa niyang anak. Minsan sumagi sa aking isip na gusto ko ang ideyang iyon ngunit hindi ako pumayag na paampon sa kanila dahil naisip ko ang aking Inay at Tatay.

At sa aking paglaki naging mas malapit ako sa aking ama kaysa sa aking ina. Sa kanya ko natutunan kung paano unang magbilang bago ako pumasok bilang pre-schooler. Nag-elementarya ako sa Mababang Paaralan ng San Pedro. Sa aking pagtuntong  ng Grade 1 ay marami akong naging kaibigan at karanasan habang tumatagal at nahuhulma ang aking kaisipan at pagkatao.

Ng ako ay nasa ikalawang baitang ng aking pag-aaral, dumating ang isa sa pinakamasakit na araw sa buhay naming pamilya. Binawian ng buhay ang aking ama dahil sa atake sa puso. Natatandaan ko pa ng araw bago sya pumanaw ay tila ako nagkaroon ng pangitain. Nilalagnat  ng araw na iyon ang aking ina at ibinili niya ito ng gamot. Sa aking pagpasok kinatanghalian sa escuela ay nakita ko siyang nakasakay sa tricycle habang mabilis itong umaandar palayo sa akin, sinigawan ko sya at sinabihan na gusto kong sumama ngunit tumugon siya na huwag na lamang. Habang katabi ko ang aking guro binanggit niya ang katagang “wala na”. kinahapunan pag-awas ko sa klase, ibinalita na lamang sa akin ng aking tiyahin at kamag-anak na wala na ang aking ama. Inatake siya sa puso sa loob mismo ng tricycle. Maraming alaala ang naiwan sa akin ng aking ama dahil sa aming apat ako ang mas nakasama niya sa araw – araw. Sabi nga ng ilan ako ang paborito niyang anak dahil ni minsan ay hindi niya ako napalo, kaya naman mahal na mahal ko ang aking tatay. At sa kabila ng pangyayaring ito ay nanatili akong masaya at matatag kahit wala akong buong pamilya.

At sa loob ng mga taon ng pag-aaral ko sa elementary, marami akong natutunan at mga bagay na hindi ko malilimutan. Una na rito ay ang pagkakaroon ko ng pagsintang – pururot sa aking kapwa kamag-aral na si Arjay de Oño. Dahil sa panunukso ng ilan sa aking mga kaibigan sa amin ay hindi sinasadya na magkagusto ako sa kanya. Palagi akong kinikilig sa tuwing nakakausap siya, lalong lalo na noong naging muse at escort kaming pareho sa School Intrams. Ang saya saya ko ng araw na iyon at hindi kami nagkahiyaan.

Hindi ko rin malilimutan ang aking naging guro sa ikalimang baitang, si Gng. Lenie R. Garingan. Marami siyang naituro sa amin katulad ng kahalagahan ng pakikipag-kaibigan at ng bawat isa. Siya ang naghikayat sa amin na pagbutihin ang aming pag-aaral ng sa ganoon ay magkaoon kami ng magandang kinabukasan. Isa din siya sa mga pinakamahusay na gurong aking nakilala kaya’t paborito ko siya maging ng ilan pang estudyante na nagdaan sa kanya.
Nang nasa ika-anim na baitang na ako ay mas naging makulay ang buhay ko bilang elementary student. Sinulit naming magkaka-klase ang lahat ng pagkakataon na mayroon kami. Nagkaroon kami ng ilang adventure na mas nagpatibay sa aming samahan at naging dahilan para mabuo ang isang grupo sa aming tatlong magkakaibigang babae, ang “AJA Barkada” na kinuha sa mga unang titik ng aming mga pangalan – Aira, Jaeime, Aileen.

At dumating ang inaasam – asam kong pagtatapos sa elementary. Naging malungkot at masaya ang aking naramdaman sa parehong pagkakataon. Malungkot sapagkat magkakahiwa-hiwalay na kaming magka-kamag-aral. Masaya dahil sa wakas ay natapos ko ang yugtong ito sa aking buhay at ang pagbubukas muli ng isang kabanata sa akin bilang isang panibagong estudyante na handa muling matuto at humarap sa bawat hamon ng pagkakataon.

Dalawang buwan matapos kong maka-graduate sa elementarya ay nagbukas ang mundo ng sekundarya sa akin. Sa pagtapak ko dito , dalawang paaralan ang aking pinamilian. Isa na rito ay ang Dolores National High School, ngunit hindi pumayag  ang aking ina dahil baka daw mapabarkada lamang ako at hindi makapag-aral ng mabuti. At ang isa pa ay ang City High ngunit ako naman ang may ayaw. Kinalaunan ay napadpad ako sa Dizon High School upang dito ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Ng araw na ako’y magpapa-enroll hindi ako natanggap dahil natapos na ang enrollment. Ngunit gumawa ng paraan ang aking ina, nagpunta siya sa kapitolyo upang humingi ng request na ako ay tanggapin sa Dizon. Ibinigay ko ang sulat na iyon na nagpapatunay na ako ay tanggapin sa paaralang ito. At sa awa ng Diyos ay natanggap ako.

Sa pagpasok ko ay marami akong nakilala dahil na rin siguro sa pagiging palabati ko. Marami akong naging kaibigan ngunit dumating din naman na ako ay nakadama ng kalungkutan. Ng naging second year ako napahiwalay ako sa mga una kong naging ka-klase. Naging mapanglaw ang mga unang araw dahil wala ako ni isang kakilala sa mga bago kong kamag-aral. Subalit pinilit kong makisabay sa kanila at hindi naglaon ay nakasundo ko rin ang mga ito at naging masaya ako.


♥ ang pinakamamahal kong ina...parang turista lang diba? ♥

Sa aking pagti-third year napatira ako sa aking lola, ang aking Mommy Reny  dahil sa nangibang-bansa ang aking ina. Umalis siya patungong Singapore upang doon magtrabaho. Hunyo 3, 2009 siya umalis at simula noon ng pasukan. Malungkot ako ng mga panahong iyon dahil mapapahiwalay ako sa kanya pero ayos na rin, inisip ko na para sa amin ang pagtatrabaho na iyon kahit na nga malayo kami sa isa’t isa. Masaya naman ako sa piling ng aking lola sa loob ng isang taon na kinupkop niya ako, kahit minsan nagiging pasaway ako sa kanya at nakakagalitan sa mga mali kong nagagawa ay nanatili parin siyang mabuti sa aming mga apo niya. 

♥ ang pinakamabait at kasing GANDA kong lola si Mommy Reny ♥


♥ ang mga pinsan kong slim -  yhatz' rio at clause ♥

Ng dumaing ang enroll-an ng fourth year inakala ko na kami paring magkaka-klase noong nakalipas na pasukan ang magkakasama, ngunit hindi pala. Muli akong napahiwalay sa kanila pero hindi na ako nalungkot dahil nakasama ko ang aking bestfriend na si Jeanjelyn Belen. Siya sa lahat ng kaibigan ang hindi ko makakalimutan dahil nagkakasundo kami sa lahat ng bagay bagamat minsan ay nagkakatampuhan. Isa sya sa mabait, tapat at pinakapangit na kaibigang nagkaroon ako.

♥ ang aking super bff Jeanjelyn ♥


Sa ngayon ay patuloy akong nagsusumikap na matapos ang aking pag-aaral sa sekundarya. Nasa ika-apat na taon na ako at hinihintay ang aking nalalapit na pagtatapos. Mami-miss ko ang parteng ito sa buhay ko..ang aming mga kalokohan at tawanan sa loob at labas ng klase..ang mga taong bumuo sa aking pagkatao at naging kakulitan sa mahabang panahon ng aking pag-aaral at mga gurong nagpapangaral. Alam ko hindi pa dito nagtatapos ang lahat dahil ang bawat araw ay panibagong simula na ating itatala sa aklat ng ating sariling buhay at kasaysayan.

At ito ang aking talambuhay.