Friday, February 18, 2011

Ang Talambuhay ni Aris Jason M. Banzuela


Ang Talambuhay ni Aris Jason M. Banzuela

    Ako si Aris Jason M. Banzuela ay ipinanganak noong Mayo 4,1995 sa probinsiya ng Nueva Ecija.Ang aking ina ay si Susan M. Banzuela na ipinanganak sa probinsiya ng Nueva Ecija noong Agusto 11,1970,at ang aking ama naman ay si Aris D. Banzuela na ipinanganak naman sa lalawigan ng laguna noong Nobyembre 22,1970.May isa akong kapatid na babae,siya ay si Shaira Marie M.Banzuela iniluwal siya noong ika-pito ng Nobyembre.Hindi na ang aming pamilya dahil na operahan na ang ina ko.
Itong litratong ito ay nuong kaarawan ko ng isang taong gulang.
  
Noon tanda ko pa dumaan kami sa kahirapan.Sabi nga ng ama ko sumasama siya dati sa aking lolo upang mamangka sa sugal para lang mapakain niya kaming mag ina niya.Hindi kasi nakapagtapos ang aking ama sa pag aaral.hangang 2taon lang daw siya nag aral noong nagkolehiyo siya. Napasama daw siya sa masamang barkada.kaya hindi siya nakapagtapos ng pagaaral.Ngayon nagtratrabaho siya sa isang pagawaan ng noodles bilang isang Supervisor.kaya nga madalas niya akong pinagsasabihan na mag aral ng mabuti para sa kinabukasan ko,sinuwerte lang daw siya sa kanyang trabaho ngayon.Kaya pinagbubuti ko ngayon ang aking pagaaral.

   Madami akong paboritong laro noon sikyo,tumbangpreso habulhabulan at madami pang iba.Paborito ko din ang larong basaketball ngunit di ako marunong nung bata pa ako kaya tamang nood nalang ako sa mga naglalaro sa aming bakuran,minsan nga naiingit ako sa kanila sapagkat malalaki at magagaling pa silang mag laro ng basketball.ang liit ko kasi noong bata pa ako sabi ng mga kalaro ko nuon kaya  naman ng lumaki ako nag aral akong mag basketball.

Nung ako ay gumaraduate nung kinder
   Ako ay nag umpisang mag aral sa gulang na apat nag tapos ng kinder at nag aral ng prep.Kami ay tumira sa probinsiya ng aking ina doon ako nag aral na unang baytang sa elementarya masaya roon kapag naulan lamang ng konti ay wala na agad pasok dahil nalaki ang ilog.lumipat kami sa laguna dahil mahirap ang buhay sa probinsiya ang tatay ko nga napilitang mag bukid para lang may trabaho,At simula noon ditto na kami tumira sa laguna nag aral ako ng pangalwang baitangngunit nahirapan ako dahil iba na ang lugar na aking pinapasukan at bago na rin ang aking mga kamag aral nanibago ako ng malaki noon.
Noon ngang nasa pangalwang baytang ako hindi ko maiwasang hindi umiyak kapag nawawala sa aking paningin ang aking ina.natatakot kasi akong baka wala akong kasama pag uwi .dahil noon ay hindi pa ako marunong umuwi mag isa .Madami naman akong naging kaibigan mga kalaro ko pag awas o pag recess na namin,minsan nga nag kapasa pa ako sa kaliwang mata dahil nauntog ako sa ulong isa kong kaklasi noon.

Noong kaarawan ko ng pitong taong gulang ang saya saya ko dahil maraming akong handa noon, mayroong pitong manok,may aso pang kasama at marami pang iba.Sa probinsiya kasi ako nag celebrate ng karawan non,dahil doon pa kami nakatira.Madaming mga bisita karaniwan ay mga magiinom dahil sa mga tiyo’t tiya ko ,halos lahat ng mga nagpunta ay mga kamag anak naming.Wala akong naiisip kung hindi magpakasaya noong araw nayon.

Simula noong ako ay namulat sa mundo natuto akong mag gala kung saan saan minsan nga napaglitan ako ng aking ina at napalo ako dahil gabi na akong umuwi sa amin, Ang sabi pa nga niya sa akin batang bata ka pa marunong ka ng mag lakwatsa.Mula ng akoy’y lumaki nasa akin na ang katangian na malusog na pangangatawan,maputi ako at may singkit na mga mata.Naalala ko pa non may nag tanong sa aking mga tiya na kung ako daw ay taga ibang bansa,dahil napakamalan nila akong isang koreano noong ako ay labing isang taong gulang.

Madami akong mga tiya at tiyo sa probinsiya,ang iba nga sa kanila ay nakapangibang bansa na dahil sa hirap ng buhay sa probinsiya.Nakapag ipon naman sila ngunit sa kalaunay naubos din ang kanilang mga naipon dahil sa bilis ng pera na maubos.Ngayon nga nag hahanap sila ng trabaho,upang makatulong sa aking mga lolo’t lola.


Hindi ko di malilimutan noong namatay ang pinakaborito kong ninang dahil
Daw sa sakit na heartfailure.Nobyembre noon taong 2005 nung kinuha siya ni lord .Napakalungkot ko noon nung nawala siya at pag minsan naiisip ko bakit siya pa ang kinuha ni lord.napakabait niya at halos lahat ng magagandang katangian ay nasa kanya na.Narito ang litrato nung kasal niya, ako ay abay noon at lumuwas pa kami para lang makapunta sa kasal ng pinaka paborito kong ninang. 
Abay ako sa kasal ng paborito kong ninang.

Minsan ang buhay ng isang tao hindi maiiwasan ang may mahihirap na pagsubok kaya nga kailangan magtiyaga at magtiis para makaraos.Madami akong natutunan sa probinsya naming tulad ng pag tulong sa bukid nang aking lolo,tinuruan din ako ng aking mga tito na mag motor at sa susunod ko dawn a pag punta doon ay pag mamaneho naman daw ang ituturo sa akin.Ang pinaka hindi ko makakalimutang experience ay noong muntik na akong mahulog sa sapa dahil sa aking pinsan ,siya kasi ang pinag maneho ko noon hindi naman niya sinabi na hindi siya marunong kaya nag dirediretso kami buti nalang bigla niyang nakabig ang manibela ng motor.

Nung ako ay magtapos ng elementarya ay sobrang saya ko dahil akala ko noon makapag tapos lang ako nang elementarya pwede na akong mag trabaho,ngunit hindi pa pala madami pa pala akong kakaining bigas kaya pinagbubuti ko ang aking pag aaral.madami sa aking mga kaibigan ay sa pribadong paaralan pumasok.At nuo’y naiingit ako sa kanila pag nakikita ko sila.ngunit isang araw naisip ko maswerte na nga ako dahil nakakapag aral ako eh, ung iba nga diyan walang pagkakataong mag-aral dahil sa hira ng buhay ditto sa pilipinas.

Nagtapos ako ng elementarya sa central school.

Madami akong mga pangarap noon ang maging doktor ngunit sa paglipas ng panahon ito ay nag bago at nagging simple nalamang ang maging maayos lang ang buhay ko ay ayos na,yun bang mayroon akong sariling pamilya sariling bahay at mga ariarian kahit di masyado marami.Nang ako ay tumungtong ng sekondarya nahirapan ako sapagkat madaming bagong lugar at bagong pakikisama sa ibang kamag-aral at mga bagong guro.Nang magsimula ako sa pangalwang taon sa sekondarya nawala na ang kaba sa aking dibdib dahil tapos na ako sa unang pagsubok,at nang ako’y maging 3rdyear na meron na kaming J’S prom. Na pinakaaasam asam ng mga tulad kong junior ako ay sumali noon at isinayaw ko ang mga hinahangaan ko sa paaralan ,ngunit nahiya akong lumapit sa iba dahil ang liit ko pa noon at first time ko pa iyong  mag sayaw ng babae na madaming nanunuod.

 Walang buhay ang walang kwenta.Dahil mayroong iba na hindi ito pinapahalagahan,lahat ng ito ay makabuluhan.Tulad nalang ng akin akala ko dati hindi ako mahal ng aking mga magulang subalit ng ako ay mag ka isip naisip ko nalang na talaga pa lang walang magulang ang nag hangad ng masama sa aknilang mga anak.

 Ngayon ako ay labing limang taong gulang na at magtatapos na ako sa sekondarya ,madami akong hindi makakalimutang ekspiriens ko sa aking pag aaral sa highschool tulad nalang nitong paggawa ko ng aking sariling talambuhay.Nag ka remembrance pa ako nuong J’S naming dahil ako ang isinali n gaming guro sa Mr.J’S hindi ko naman akalaing ako ay mananalo sapagkat madami din naming mas pogi at maiitsura kaysa sa akin.Kahit minsan man lang sa aking buhay naubukan kong sumali sa ganong aktibidades.Ngayon ako ay nag iisip na nang kursong aking kukuhanin pag dating ng kolehiyo,maraming napasok sa aking isipan magulo na hindi ko malaman kaya nga nagaun ako ay hindi pa nakakapag desisyon kung anung kurso ang aking kukuhanin,at diyan nag tatapos ang aking talambuhay.
4thyear Jsprom.

Madami akong alaala na maiiwanan sa pagtatapos ko ng highschool,yung mapatawag ang magulang,mag cutting sa oras ng klase,ang umuwi ng gabi na marumi at pagod na pagod,pumasok ng late sa klase at mapagalitan ng guro dahil mayroong nagawang kamalian.At dito nag tatapos ang aking talambuhay simula pagka bata hanggang ako ay magbinata. 

Sana mabasa ninyo ang aking talambuhay sana nakakuha kayo ng kahit konting aral..^_^

No comments:

Post a Comment