Sunday, February 20, 2011

Talambuhay ni Mary Grace A. Dellosa







bininyagan ako
                Isang malamig na gabi ng ika-12 na Hulyo taong 1995. Ipinanganak ang bunsong anak nina Rosario at Felix Dellosa. Pinangalanan nila ito ng Mary Grace, isinunod sa pangalan ng kanilang panganay na anak na nagngangalang Mary Rose na noon ay dalawang taong gulang na. Nakatira ang mag-anak sa Brgy. Del Remedio San Pablo City.
Si ate at si mama
                Ako si Mary Grace A. Dellosa. Ipinanganak noong ika-12 ng Hulyo taong 1995. Ang kweto sa akin ng aking ina noong ako raw ay ipinanganak ay may bukol daw ako sa ulo. Kung ano-ano na raw ang kanilang ginawa upang ito ay mawala. Pinahiran ng langis, tinapalan, at sabi pa daw ay pinaglinhan ito. Tatlong buwan na daw simula noong ako ay ipinanganak hindi pa raw ito nawawala. At sa huli ng ikinunsulta ito sa doctor ay pinasok lang daw ito ng hangin, ang gawin lng daw ay basain na maligamgam na tubig ang towel at saka idampi sa bukol. Sa loob daw na tatlong araw ay nawala na raw ito. Natawa na lamang ako ng ikwento ito sa akin ng aking ina, dahil sa dinami-rami ng kanilang ginawang paraan upang  mawala ang bukol sa aking ulo ay ang pag gamit lamang ng towel at basain ito ng maligamgam na tubig ang magpapawala nito. Ngunit sa bagay na ito ay may natutunan tayo sa pangyayaring ito.
                Noong ako’y tatlong taong gulang pa laming ay gustong-gusto kong sumama sa aking ina sa pag hatid at pagkaon sa aking nakatatandang kapatid papunta sa eskwelahan niya na noo’y nasa prep.  pa lamang. Nasa Patria Village ito sa brgy. ng Del remedio.  Tanda ko pa na pumapasok rin ako sa loob ng silid-aralan at mayroon doong makikitang munting kubo na sa loob ay may mga kahoy na bricks kung saan ang mga estudyante roon ay maaaring paglaruan iyon, makagagawa ng iba’t-ibang klase ng bahay  at kung gaano kataas ang kaya mong gawin. Madalas ayaw ko pang lumabas doon. At pag dating naman sa bahay tuwing gumagawa ang aking kapatid ng kanilang takdang -aralin ay hinihiram ko ang libro niya at pilit na nagbabasa kahit na sa iba’t-ibang libro ang hawak ko ay iisa’t-iisa lamang ang aking binibigkas na salita.
Graduation nung kinder ako
kinder
                 Nang ako’y pinapasok na ng kinder, ako’y apat na taong gulang pa lamang at sa darating na Hulyo pa maglilima. Sa paaralan na Del Remedio Central Schoolako nagaral. At si Mrs.Glenda ang aking unang nagging guro sa paaralang iyon. Marami akong nakilala at nagging bagong kaibigan. Masaya ang nagging pakirandam ko noon, dahil marami akong nakasalamuhang bata na may iba’t-ibang talino, kakayahan at talento. Isa sa masayang nangyari noon ay nung  Christmas Party naming. Nagkainan, nakaroon din ng palaro at ang hindi mawawala ay ang pagpapalitan ng mga regalo. Ang nakuha ko noon ay pares na raketa ng badminton. Tuwang-tuwa ako  ng matanggap ko iyon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ako ng ganon at matatawag kong akin. At pakatapos nito ay nagbahay-bahay kami kasama ang aming mga guro at mga magulang sa Brgy. Del Remedio upang mamasko. Masaya ngunit nakakapagod. Nang malapit na ang araw aming graduation ay tinanong kami n gaming guro kung anong gusto naming maging sa aming paglaki. May mga nagsabi na doctor, pulis at iba pa. Ang nakakatawa pa nito isa sa aming kamg-aral ang nagsabi ng “I want to be a dog”. Nagtawanan na lamang kami. Pero pagdating sa akin, ang aking sinabi ay maging isang guro. Hindi ko pa alam noon kung bakit iyon ang aking naging pangarap.
Grade 1
                Nang ako’y ienroll ng aking ina sa grade 1, nung una ayaw pa akong tanggapin sa kadahilanang bata pa raw ako ngunit napakiusapan ng aking ina ang guro. Ngunit ang sabi ng guro ako raw ay “saling pusa”  lamang, ibig sabihin ay di regular na estudyante. At mapupunta sa sectin D. Pumayag na rin dito ang aking ina . Hindi ito nagging hadlang sa aking pag-aaral, lalo akong nagging aktibo sa aming klase. At noon rin ako nahilig sa oag sasayaw. Sinuportahan naman ako ng aking mga magulang sa aking nais. At ang maganda pa nito ay nagkaroon pa ako ng medalya sa pagtatapos ko sa unang baiting. Kahit ako’y pangatlo ay ayos na rin iyon. Ngunit ng aming kukuhanin na ang aking card ay tinanong ako ng aking guro kung  gusto kong mag ulit ng grade 1, tutal naman bata pa naman daw ako para tumuntong sa ikalawang baiting. At malamang dwa ay maging first honor pa daw ako sa susunod. Hindi ako pumayag, sa kadahilanang ayaw kong mapagiwanan ako ng aking mag kamag-aral. Na sila ay nasa ikalawng baitang na at ako’y umulit ng grade 1.  Pumayag naman ang aking guro. Nang tumuntong ako sa akalawang baitang napunta ako sa pinakamataas na section. Kung saan may telebisyon sa loob ng silid-ararlan at makakapanood ng mga educational programs. Nagsimula naman akong pagkatiwalaan sa pag hawak ng pera simula noong grade 3. Kung saan ang bawat silid-aralan ay may mga bilao at may mga tindang pagkain. May mga nakatalaga ditong mga estudyante upang magtinda at isa na ako roon.
Grade 2
                Noong 2003 ang aming pamilya ay may masamang nabalitaan. Ang aking lola sa father side ay pumanaw na dahil sa malubhang sakit. Mabuti na lamang ay bakasyon kame ng ate ko sa eskwelahan at nakasama kami papunta sa Sorsogon saBicol. Kung saan nakalagak ang labi n gaming lola. Nang dmating kami roon ay tiningnan nalia ang labi ng aming lola, ngunit ako ay hindi. Hanggang ngayon takot pa rin akong yungin sa mga bangkay kahit naito ay kamag-anak pa naming.
Grade 4
                Noong ako nama’y nasa akaapat ng baitng ay patuloy pa rin ako sa palahok sa mga sayawan sa aming paaralan. Nang minsang may paligsahan ang grade 4 at grade 5 na cheerdance  sa aming eskwelahan ay lumahok ako. Masaya ang karanasang iyon, kahit nakakapagod sa pagpapractice. At ng duating ang araw ng paligsahan ay napanood naming ang galling ng mga grade 5 at sila ang nanalo. Noong ako naman ay grade 5 ay naghanap an gaming guro sa M.S.E.P ng gusting sumali sa doxology upang magperform sa ibang paaralan. Sumali ako kasama pa ang isa kong kamag-aral na babae rin. At dahil ditto nabigyan kame na pagkakataon na mapasama sa mga dancers ng aming eskwlahan. Tuwing may programa sa aming paaralan ay nasayaw kami. Sa panimula ang doxology at pakatapos ay mga modernong sayaw.
                At isang araw may audition para sa mga gusting sumali sa street dancing para sa piyestang bayan (mardigra). Nag audition kami ng aking mga kamag-aral. At dahil sa mga dancers kami ng aming paaralan ay pasok na kami. At kasbay pa n gaming practice ng mardigra ay may practice rin kami para sa pagsayaw naming sa DEPED Night. Ngunit bago sumapit ang arw na iyon ay may masamang balita akong nalaman. Pagdating ko sa aming bahay galing sa central kung saan nagpractice kami ng sayaw ay nabalitaan ko na ang aking pinsan ay namatay na dahil sa sakit sa puso. At kasabay pa nito ay may programa pa sa aming paaralan at kalahok pa ako nito kung saan mag sasayaw kami ng Tahisian. Gustuhin ko mam na hindi na pumunta sa aming paaralan ay hindi maaari. Dahil dalwang beses  pa akong sasayaw. Kaya mag-isa na lamang akong pumunta sa aming paaralan at doon na lamang din nag- ayos. Habang nagsasayaw kami noon ramdam ko ang lungkot, gusto ko na sanang maiyak ngunit pinigilan ko na lamang. At pagdating ko sa bahay ng aking tiya ay naroon ang labi ng aking pinsan. Niyakap ako ng aking tiya at umiiyak na sinabi niyang ainiwan na kami ni Ate Ronalyn.  Pinapatingin nila ako sa labi nito ngunit ayaw ko dahil takot pa rin ako. Kaya umuwi na kami ng aking ina, dahil sa pagod na daw ako.
Doxolody (gade 5)
Grade 5
                Hanggang sa Grade 6 ay nasa section A ako. Laking tuwa ko dahil hindi ako naalis sa higher section. Dahil sabi  noon ng aking guro noong Grade 4 na si Mrs. Madrideo ay baka raw pagdating pa ng Grade 6  ay bumaba ako ng section ngunit hindi naman ito nangyari. At kahit hindi ako kasali sa mga honor student ay ayos lamang iyon sa akin. Sa araw ng recognition ay kabilang kami sa mga sasabitan ng medalya bilang nga mananayaw na aming paaralan. At sa araw n gaming pagtatapos sa elemntarya ay marami ang nagging emosyonal. Masya dahil akapagtapos na kami nginit may halong lungkot dahil iiwan na naming ang paaralan kung saan nahubog an gaming kakayahan. At higit sa lahat mag hihiwa-hiwalay na kaming nga mag kakaibigan.
Grade 6

                Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ang paaralang aking pinasukan simula 1st year highschool hanggang ngayong 4th year. Marami akong nagging bagong kaibigan sa pag pasok ko rito. Naranasan kong mag report sa unahan, magdula at marmi pa. at ang Masaya pa nito ang aming J.S Prom nung 3rd year at nitong 4th year. At ngayon hinihintay na lang naming na nagtpos kami ng highschool.
ako
J.S. (2010-2011)
Si ate at ako

No comments:

Post a Comment