Sunday, February 20, 2011

Talambuhay ni Maricel Culaway


mga magulang ko,ako at si na mel
      Sa Unson Street Brgy Aglipay noon Agosto dalawangput-dalawa taon labing siyam siyam naput-isa.Pangalawa sa mga anak nina Marivic at Celso Culaway,pero dahil sa namatay ang panganay kung kapatid noon ipinapanganak palang siya.Kaya ng ipanganak ako ay ako na ang itinuring na panganay.Dahil sa ako palang daw ang anak noon ay sunod daw ako sa layaw.Tulad ng pamamasayal at iba pa,sabi ko nga ngayun na lang yun dapat.


    Habang lumalaki ako ay mga kuwento sila noon bata pa daw ako,tulad noon pitong buwan palang ako ay namatay ang lola.Ang nanay ng tatay ko,sa bahay daw ng tita ko kung saan na kaburol ang lola.Ko ay inihiga daw ako sa kama ng nanay ko kasi iihi siya,pagbalik daw niya ay na hulong na ako sa semento.Ang nakakapag taka daw ay hindi ako umiyak o nabalian man lang daw.Sabi nila na sinambut daw ako ng lola ko,kasi daw noon na bubuhay siya ay alagang alaga niya ako.Sabi daw nito na sana daw bago siya mamatay ay sana daw eh makita niya kahit isa man lana daw sa magiging anak ni tatay.Ako ng ang  anak ni tatay na nakita niya.Kasi daw si kuya mico ay hindi nito nakita.May kuwento rin sila na may pagkakataon na sinunog ko ang isang daan piso.Ginawa ko daw pandikit sa kalan.Noon bata ako ay may mga pangyayari rin na natatandaan ko pa.Tulad noon tatlo na kaming mag kakapatid,si mara na pang tatlo kung kapatid ay may hairban siya na cute.Wala noon si nanay at si tatay ay may binibili sa tindahan,medyo malayo naman noon ang tindahan sa bahay namin.Nahulang sa malaki at malaim na timba ang hairband ni mara.Pilit niya kinuha yun hanggan sa mahulong siya.Natutuwa panga kami ng isa ko pangkapatid na si markine kasi para siya isda na kakapag- kapag .Hindi namin na isip na puwede siyang mamatay.Bigla naman noon dumating si tatay at kinuha si maraNg pagalitan kami ni tatay kasi hindi namain siya tinulungan ay dun kulang nalaman na maaari pala siya mamatay sa ng yari.


Mga kapatid ko

Add caption
     Noon mag kinder ako,ay ipinaganak ang pang apat kung kapatid na si Mariel.kaya hindi katulad ng ibang bata na katid sundo ako hindi.Noon naman grade one ako ay naging pala absent ako kasi ako ang nag aalaga kay Mariel pag nagtatrabaho ang mga magulang ko.Ito ang naging dahilan kung bakit nag balik grade one ako.Sa grade three ko naman na hasa ang pag babasa ko sa English,salamat sa magaling kung kung teacher na si mam Borja.Sa elementary ay marami akung na kaaway lalo na dahil sa apelyido ko.Minsa sa bunutan sa likod ng school,o kaya ay hampasan na payong .Noon marami akung na sirang payong yun tig 50 pesos.MInsan kahit hindi akin,buti na lang at hindi naman pinababayaran sa akin.Sa dami kung nakaawy noon ay ni minsan ay hindi ako dinala sa guidance office.Kaya siguro hanagan high school ay dala ko ang ugali kung pala away.Noon unang taon ko sa high school eh madami pa rin akung na kaaway,minsan na kabato ako ng room kasi yun classmate ko ang babatuhin ko buti na lang at hindi ako dinala sa guidance noon teacher sa room na yun.Minsan naman na kaway ko yun bading ko classmate kasi subrang pang asar.Umabot sa nag ka sakitan na kami.Dumugo noon ang labi ko kasi na pahampas sa pinto dahil tinulang niya.Noon na dala na kami sa guidance,pero dahil sa ako ang nasaktan eh hindi ako ng ka kaso.Siya hindi ko alam kasi mula noon hindi na siya pumasok.sa high school ay pala absent pa rin ako hindi ko noon pinahahalagahan ang pag pasok ko.kaya ng hangan noon second year ko sa high school at ipanganak ang pang lima kung kapatid na si cedrick.Noon na sabay na ng ka problema ako sa ilan subject ko,bumaba ang grade ko.Sinabi ni tatay na tumigil daw muna ako at dahil alanam akung pakialam noon ay tumigil ng ako.Sa pag tigil ko noon ng dalawang taoon ay dun ko na isip ang halaga ng pag pasok.kaya pumasok ulit ako.Kaso second year ulit ako,pero ok lang at nag sipag na ako.Nooon third year ako ay sumali ako bilang CAT volunteer,marami ako na tutuhan,tulad ng pakikipag kapwa at na bawasan din ang pagiging palaaway ko bawal kasi yun.Last summer ay nag summer training kami sa CAT kailangan yun para mas maging handa kami sa pagiging officer pag dating ng pasukan.Sa summer training ay marami ako na tutunan at na realize.Tulad ng pag unawa sa ugali ng mga kasama mo at makining sa mga sasabihin ng iba tungkol sa ugali mo kasi sila naman ang nakakakita ng ugali mo na minsan ay hindi mo na papansin sa sarili mo.


          Sa 3rd year avg isa pang hindi ko malilimuta ay ang JS,lalo na at first time yun .Noon JS ang gusto ko ay isayaw ako ng super cu]rueh ko,gusto ko sya ang first dance ko.Kaso ng dumating ang JS eh iba ang naging first dance ko,at lumalalim na ang gabi ay hindi paniya ako isinasayaw.kaya paiyak na ako sa isang sulok noon,kaya ng lumapit sya at niyaya ako super saya ko.dahil nga hindi sya ang naging first dance ko eh hindi na ako pumayak na hindi siya ang last dance ko.Kasi noon kasayaw ko siya ay sinabi ko dapat siya ang last dance ko.Last two song ng makasayaw ko ulit siya.hindi man siya ang first dance ko siya naman ang last.
3-e JS pic
       
         Ang yun ng ay 4th year na ako sa high school ito ang year na busy sa lahat,gaya namin.Nasama kami sa nag sayaw ng mag bukas ang SM San Pablo.TApos may mini olympic pa,doon kailangan may sayaw pa kami kailangan gawin.At ngayun nga malapit na kami mag tapos ay ang maraming project naman ang kailangan namin gawin tulad nito .Ang amin talambuhay,sa pag tatapos na kung ito sa high school.alam ko na bago chapter na naman ang mag sisimula.

Talambuhay ni Mary Grace A. Dellosa







bininyagan ako
                Isang malamig na gabi ng ika-12 na Hulyo taong 1995. Ipinanganak ang bunsong anak nina Rosario at Felix Dellosa. Pinangalanan nila ito ng Mary Grace, isinunod sa pangalan ng kanilang panganay na anak na nagngangalang Mary Rose na noon ay dalawang taong gulang na. Nakatira ang mag-anak sa Brgy. Del Remedio San Pablo City.
Si ate at si mama
                Ako si Mary Grace A. Dellosa. Ipinanganak noong ika-12 ng Hulyo taong 1995. Ang kweto sa akin ng aking ina noong ako raw ay ipinanganak ay may bukol daw ako sa ulo. Kung ano-ano na raw ang kanilang ginawa upang ito ay mawala. Pinahiran ng langis, tinapalan, at sabi pa daw ay pinaglinhan ito. Tatlong buwan na daw simula noong ako ay ipinanganak hindi pa raw ito nawawala. At sa huli ng ikinunsulta ito sa doctor ay pinasok lang daw ito ng hangin, ang gawin lng daw ay basain na maligamgam na tubig ang towel at saka idampi sa bukol. Sa loob daw na tatlong araw ay nawala na raw ito. Natawa na lamang ako ng ikwento ito sa akin ng aking ina, dahil sa dinami-rami ng kanilang ginawang paraan upang  mawala ang bukol sa aking ulo ay ang pag gamit lamang ng towel at basain ito ng maligamgam na tubig ang magpapawala nito. Ngunit sa bagay na ito ay may natutunan tayo sa pangyayaring ito.
                Noong ako’y tatlong taong gulang pa laming ay gustong-gusto kong sumama sa aking ina sa pag hatid at pagkaon sa aking nakatatandang kapatid papunta sa eskwelahan niya na noo’y nasa prep.  pa lamang. Nasa Patria Village ito sa brgy. ng Del remedio.  Tanda ko pa na pumapasok rin ako sa loob ng silid-aralan at mayroon doong makikitang munting kubo na sa loob ay may mga kahoy na bricks kung saan ang mga estudyante roon ay maaaring paglaruan iyon, makagagawa ng iba’t-ibang klase ng bahay  at kung gaano kataas ang kaya mong gawin. Madalas ayaw ko pang lumabas doon. At pag dating naman sa bahay tuwing gumagawa ang aking kapatid ng kanilang takdang -aralin ay hinihiram ko ang libro niya at pilit na nagbabasa kahit na sa iba’t-ibang libro ang hawak ko ay iisa’t-iisa lamang ang aking binibigkas na salita.
Graduation nung kinder ako
kinder
                 Nang ako’y pinapasok na ng kinder, ako’y apat na taong gulang pa lamang at sa darating na Hulyo pa maglilima. Sa paaralan na Del Remedio Central Schoolako nagaral. At si Mrs.Glenda ang aking unang nagging guro sa paaralang iyon. Marami akong nakilala at nagging bagong kaibigan. Masaya ang nagging pakirandam ko noon, dahil marami akong nakasalamuhang bata na may iba’t-ibang talino, kakayahan at talento. Isa sa masayang nangyari noon ay nung  Christmas Party naming. Nagkainan, nakaroon din ng palaro at ang hindi mawawala ay ang pagpapalitan ng mga regalo. Ang nakuha ko noon ay pares na raketa ng badminton. Tuwang-tuwa ako  ng matanggap ko iyon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ako ng ganon at matatawag kong akin. At pakatapos nito ay nagbahay-bahay kami kasama ang aming mga guro at mga magulang sa Brgy. Del Remedio upang mamasko. Masaya ngunit nakakapagod. Nang malapit na ang araw aming graduation ay tinanong kami n gaming guro kung anong gusto naming maging sa aming paglaki. May mga nagsabi na doctor, pulis at iba pa. Ang nakakatawa pa nito isa sa aming kamg-aral ang nagsabi ng “I want to be a dog”. Nagtawanan na lamang kami. Pero pagdating sa akin, ang aking sinabi ay maging isang guro. Hindi ko pa alam noon kung bakit iyon ang aking naging pangarap.
Grade 1
                Nang ako’y ienroll ng aking ina sa grade 1, nung una ayaw pa akong tanggapin sa kadahilanang bata pa raw ako ngunit napakiusapan ng aking ina ang guro. Ngunit ang sabi ng guro ako raw ay “saling pusa”  lamang, ibig sabihin ay di regular na estudyante. At mapupunta sa sectin D. Pumayag na rin dito ang aking ina . Hindi ito nagging hadlang sa aking pag-aaral, lalo akong nagging aktibo sa aming klase. At noon rin ako nahilig sa oag sasayaw. Sinuportahan naman ako ng aking mga magulang sa aking nais. At ang maganda pa nito ay nagkaroon pa ako ng medalya sa pagtatapos ko sa unang baiting. Kahit ako’y pangatlo ay ayos na rin iyon. Ngunit ng aming kukuhanin na ang aking card ay tinanong ako ng aking guro kung  gusto kong mag ulit ng grade 1, tutal naman bata pa naman daw ako para tumuntong sa ikalawang baiting. At malamang dwa ay maging first honor pa daw ako sa susunod. Hindi ako pumayag, sa kadahilanang ayaw kong mapagiwanan ako ng aking mag kamag-aral. Na sila ay nasa ikalawng baitang na at ako’y umulit ng grade 1.  Pumayag naman ang aking guro. Nang tumuntong ako sa akalawang baitang napunta ako sa pinakamataas na section. Kung saan may telebisyon sa loob ng silid-ararlan at makakapanood ng mga educational programs. Nagsimula naman akong pagkatiwalaan sa pag hawak ng pera simula noong grade 3. Kung saan ang bawat silid-aralan ay may mga bilao at may mga tindang pagkain. May mga nakatalaga ditong mga estudyante upang magtinda at isa na ako roon.
Grade 2
                Noong 2003 ang aming pamilya ay may masamang nabalitaan. Ang aking lola sa father side ay pumanaw na dahil sa malubhang sakit. Mabuti na lamang ay bakasyon kame ng ate ko sa eskwelahan at nakasama kami papunta sa Sorsogon saBicol. Kung saan nakalagak ang labi n gaming lola. Nang dmating kami roon ay tiningnan nalia ang labi ng aming lola, ngunit ako ay hindi. Hanggang ngayon takot pa rin akong yungin sa mga bangkay kahit naito ay kamag-anak pa naming.
Grade 4
                Noong ako nama’y nasa akaapat ng baitng ay patuloy pa rin ako sa palahok sa mga sayawan sa aming paaralan. Nang minsang may paligsahan ang grade 4 at grade 5 na cheerdance  sa aming eskwelahan ay lumahok ako. Masaya ang karanasang iyon, kahit nakakapagod sa pagpapractice. At ng duating ang araw ng paligsahan ay napanood naming ang galling ng mga grade 5 at sila ang nanalo. Noong ako naman ay grade 5 ay naghanap an gaming guro sa M.S.E.P ng gusting sumali sa doxology upang magperform sa ibang paaralan. Sumali ako kasama pa ang isa kong kamag-aral na babae rin. At dahil ditto nabigyan kame na pagkakataon na mapasama sa mga dancers ng aming eskwlahan. Tuwing may programa sa aming paaralan ay nasayaw kami. Sa panimula ang doxology at pakatapos ay mga modernong sayaw.
                At isang araw may audition para sa mga gusting sumali sa street dancing para sa piyestang bayan (mardigra). Nag audition kami ng aking mga kamag-aral. At dahil sa mga dancers kami ng aming paaralan ay pasok na kami. At kasbay pa n gaming practice ng mardigra ay may practice rin kami para sa pagsayaw naming sa DEPED Night. Ngunit bago sumapit ang arw na iyon ay may masamang balita akong nalaman. Pagdating ko sa aming bahay galing sa central kung saan nagpractice kami ng sayaw ay nabalitaan ko na ang aking pinsan ay namatay na dahil sa sakit sa puso. At kasabay pa nito ay may programa pa sa aming paaralan at kalahok pa ako nito kung saan mag sasayaw kami ng Tahisian. Gustuhin ko mam na hindi na pumunta sa aming paaralan ay hindi maaari. Dahil dalwang beses  pa akong sasayaw. Kaya mag-isa na lamang akong pumunta sa aming paaralan at doon na lamang din nag- ayos. Habang nagsasayaw kami noon ramdam ko ang lungkot, gusto ko na sanang maiyak ngunit pinigilan ko na lamang. At pagdating ko sa bahay ng aking tiya ay naroon ang labi ng aking pinsan. Niyakap ako ng aking tiya at umiiyak na sinabi niyang ainiwan na kami ni Ate Ronalyn.  Pinapatingin nila ako sa labi nito ngunit ayaw ko dahil takot pa rin ako. Kaya umuwi na kami ng aking ina, dahil sa pagod na daw ako.
Doxolody (gade 5)
Grade 5
                Hanggang sa Grade 6 ay nasa section A ako. Laking tuwa ko dahil hindi ako naalis sa higher section. Dahil sabi  noon ng aking guro noong Grade 4 na si Mrs. Madrideo ay baka raw pagdating pa ng Grade 6  ay bumaba ako ng section ngunit hindi naman ito nangyari. At kahit hindi ako kasali sa mga honor student ay ayos lamang iyon sa akin. Sa araw ng recognition ay kabilang kami sa mga sasabitan ng medalya bilang nga mananayaw na aming paaralan. At sa araw n gaming pagtatapos sa elemntarya ay marami ang nagging emosyonal. Masya dahil akapagtapos na kami nginit may halong lungkot dahil iiwan na naming ang paaralan kung saan nahubog an gaming kakayahan. At higit sa lahat mag hihiwa-hiwalay na kaming nga mag kakaibigan.
Grade 6

                Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ang paaralang aking pinasukan simula 1st year highschool hanggang ngayong 4th year. Marami akong nagging bagong kaibigan sa pag pasok ko rito. Naranasan kong mag report sa unahan, magdula at marmi pa. at ang Masaya pa nito ang aming J.S Prom nung 3rd year at nitong 4th year. At ngayon hinihintay na lang naming na nagtpos kami ng highschool.
ako
J.S. (2010-2011)
Si ate at ako

Ang Talambuhay ni Jeanjelyn Sayson. Belen








March 29, 1995 ng ako ay isinilang pasado 7:30 ng gabi, miyerkules at cesarian section dito sa sa City Hospital ng San Pablo. Ang aking ama ay si Jerry Belen Sr. at ang aking ina ay si Yolanda Belen tatlo kaming magkakapatid ang panganay ay si Jelly Ann Belen. Aratia siya ay 24 taong gulang na may asawa at isang anak na ang pangalan ay Lheanna Jeanelle B. Aratia. Makikita niyo ang larawan sa baba.


ang pangalawa kong kapatid ay si Jerry Belen Jr. mat asawa nadin at may isang anak mas nauna siyang nagasawa sa aking kapatid na panganay, ito ang litrato ng kanyang anak na si Kishia Nicole O. Belen, makikita niyo sa taas ang kanyang litrato.
At syempre ako ang bunso at wala pang asawa nag-aaral palang ako e.


Sabi ng mama ko dapat daw ang pangalan ko ay  Janalyn subalit di nila ito pinangalan sakin dahil daw hindi tutugma sa ipinangalan sa aking mga kapatid na nagsisimula sa letrang "J" at "E".

Habang ako ay lumalaki abi ng magulang ko may hindi daw sila makakalimutan na nginawa ko nung ako ay bubuwanin pa lamang umihi saw ako0 at pagkatapo ay isasawsaw ko saw ang aking kamay sa ihi ko at isusubo haha sarap :). At tsaka pag nakakakita daw ako ng ipot ng butiki nung ako ay nagapang kkunin ko saw sabay isusubo nakakatawa di ba ?

 Ito ang picture ko nung ako ay 10 months.


Mabilis lumipas ang panahon at nagkinder na ako gumraduate ako ng pangpito sa klase at nagkaroon ako ng parangal syempre proud na proud sakin ang mga magulang ko. :)
Noong gumraduate ako ng kinder.

"ANG AKING BUHAY ELEMENTARYA"

Tumungtong na ako ng elementarya sa ikaunang baitang masasabi kong marami akong karanasan. Tulad ng dati pag-uwi ko samin nadapa ako at nagkaroon ako ng sugat ang ginawa ko ay kumaripas ako ng takbo samin at nilagyan ko ng pabango ang sugat ko hahaha :D namimilipit naman ako sa sakit e dapat pala ang nilagay ko ay alcohol at hindi pabango.
Sa ikaunang baitang ko ay nagpamalas ako ng aking galing at ako ay naging "3rd Honor" at nagtuloy tuloy ang pagiging "3rd Honor" ko hanggang ikatlong baitang.


ito nung Grase One.


Grade Two.
Grade Three.
at Grade four.

Subalit nang ako ay tumungtong sa ikaapat na baitang ay mayroong nagtransfer na isang estudyante at napalitan niya ang pwesto ko sa Top 3 at naging Top 4 nalang ako sa klase. Naging First Honorable Mention. Inilaban din ako sa "ENGLISH READING CONTEST" at nagkamit ako ng "3rd Place" kaya naman noong Recognition Day ay dalawa ang aking naging medalya at ang nagsabit saakin ay ang aking ate.



Noong ako ay Grade 4.


Pagdating ko ng ikalimang baitang ay hindi parin ako naalis sa pagiging Top Student at Top 6 ako hanggang Grade 6.
Eto na! Graduation na excited na akong mag High School, kasi naman sabi ko sa sarili ko ano kaya ang feeling sa mga naririnig ko kasi masaya daw.

"ANG AKING BUHAY HIGH SCHOOL"


Dumating na nga ang pinakahihintay ko, High School na ako at pumasok ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High Shool section I-B.
noong una
kong makita ang eskwelahan na ito ay namangha ako sabi ko pa nga noon "WOW ANG LAKI NAMAN NG SCHOOL NA TO" haha. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil dati banong bano ako pag nay naglalanding na eroplano. Naging masaya ako sa mga kaibigan ko noong first year ang at second year. Noong first year ay ang mga "TROPAPIPZ"







 sina ANGELICA TAYOBONG, LUCKY JOY DE VILLA, JENNIFER TIMBAS, EDEN JOY CAGUITE, ANN TRICIA SUMAGUE AT REAN JEN CABRERA.
At noong second year ay naging tatlo nalang kami ako si Lucky Joy at si Rean  Jen nalang. Naaalala ko nga tuwing aawas kami ng hapon palagi kaming magkasama ni Rean Jen sa paggagala sa bayan para sa mga kakikayan namin kai si Lucky Joy di maaasahan sa mga ganung bagay e. Hindi kasi siya masyadong kikay ng mga panahong iyon.

Noong Third Year naman ako ay naging 4-C ako dahil narin siguro sa pagiging pabaya ko hindi na ako naging seryoso sa pag-aaral. Magka-iba nga talaga ang elementaya at high school ano. Naramnasan ko din ang hindi pagpapakita ng aking card s magulang dahil mababa at syenpre nakakahiya. Kung anong taas ng grades ko dati ay siya namang baba ngayon.
Ang pangalan naman ng barkadahan namin noon ay "PEPSTERS". 




 Ako si  Jaeime Briñas, Gizelle Briñas, Sarah Maica dela Cruz, Rinalyn Castillo at syempre si Ivy Ellaine Faustino. Pero ang kaibigan kong si Ivy ay maagang nag-asawa at nabuntis kaya tumigil siya ng Third Year. Pero mag-aaral siya ngayong taon. Ang pangalan ng anak niya ay Franzaine at sobrang cute niya!

Ngayon Fourth Year na ako dection 4-D syempre malungkot ako at nahiwalay ako sa dati kong mga barkada. Pero ayos lang naman nandiyan naman nag aking bestfriend na si Jaeime Briñas halos di na yata kami naghihiwalay pag nasa school haha LOVE ko yun e kahit ang panget niya!
Marami nadin akong naging experience sa 4-D lalo na sa Filipino ang paggagawa ng tula, pag bikas ng tula sa harap ng mga kaklase, paggagawa ng talumpati, pagbikas ng talumpati, paggawa ng blog at ang pinakahuli etong talambuhay. Masaya din kasi itong section na to HAPPINESS & SADNESS, lahat andito basta masaya. Kaya naman ngayong gagraduate na kami sana magkita kita parin kami lalo na pag successful na kaming lahat.
At sana isa ako sa mga yun. :)






Friday, February 18, 2011

Ang Talambuhay ni Aris Jason M. Banzuela


Ang Talambuhay ni Aris Jason M. Banzuela

    Ako si Aris Jason M. Banzuela ay ipinanganak noong Mayo 4,1995 sa probinsiya ng Nueva Ecija.Ang aking ina ay si Susan M. Banzuela na ipinanganak sa probinsiya ng Nueva Ecija noong Agusto 11,1970,at ang aking ama naman ay si Aris D. Banzuela na ipinanganak naman sa lalawigan ng laguna noong Nobyembre 22,1970.May isa akong kapatid na babae,siya ay si Shaira Marie M.Banzuela iniluwal siya noong ika-pito ng Nobyembre.Hindi na ang aming pamilya dahil na operahan na ang ina ko.
Itong litratong ito ay nuong kaarawan ko ng isang taong gulang.
  
Noon tanda ko pa dumaan kami sa kahirapan.Sabi nga ng ama ko sumasama siya dati sa aking lolo upang mamangka sa sugal para lang mapakain niya kaming mag ina niya.Hindi kasi nakapagtapos ang aking ama sa pag aaral.hangang 2taon lang daw siya nag aral noong nagkolehiyo siya. Napasama daw siya sa masamang barkada.kaya hindi siya nakapagtapos ng pagaaral.Ngayon nagtratrabaho siya sa isang pagawaan ng noodles bilang isang Supervisor.kaya nga madalas niya akong pinagsasabihan na mag aral ng mabuti para sa kinabukasan ko,sinuwerte lang daw siya sa kanyang trabaho ngayon.Kaya pinagbubuti ko ngayon ang aking pagaaral.

   Madami akong paboritong laro noon sikyo,tumbangpreso habulhabulan at madami pang iba.Paborito ko din ang larong basaketball ngunit di ako marunong nung bata pa ako kaya tamang nood nalang ako sa mga naglalaro sa aming bakuran,minsan nga naiingit ako sa kanila sapagkat malalaki at magagaling pa silang mag laro ng basketball.ang liit ko kasi noong bata pa ako sabi ng mga kalaro ko nuon kaya  naman ng lumaki ako nag aral akong mag basketball.

Nung ako ay gumaraduate nung kinder
   Ako ay nag umpisang mag aral sa gulang na apat nag tapos ng kinder at nag aral ng prep.Kami ay tumira sa probinsiya ng aking ina doon ako nag aral na unang baytang sa elementarya masaya roon kapag naulan lamang ng konti ay wala na agad pasok dahil nalaki ang ilog.lumipat kami sa laguna dahil mahirap ang buhay sa probinsiya ang tatay ko nga napilitang mag bukid para lang may trabaho,At simula noon ditto na kami tumira sa laguna nag aral ako ng pangalwang baitangngunit nahirapan ako dahil iba na ang lugar na aking pinapasukan at bago na rin ang aking mga kamag aral nanibago ako ng malaki noon.
Noon ngang nasa pangalwang baytang ako hindi ko maiwasang hindi umiyak kapag nawawala sa aking paningin ang aking ina.natatakot kasi akong baka wala akong kasama pag uwi .dahil noon ay hindi pa ako marunong umuwi mag isa .Madami naman akong naging kaibigan mga kalaro ko pag awas o pag recess na namin,minsan nga nag kapasa pa ako sa kaliwang mata dahil nauntog ako sa ulong isa kong kaklasi noon.

Noong kaarawan ko ng pitong taong gulang ang saya saya ko dahil maraming akong handa noon, mayroong pitong manok,may aso pang kasama at marami pang iba.Sa probinsiya kasi ako nag celebrate ng karawan non,dahil doon pa kami nakatira.Madaming mga bisita karaniwan ay mga magiinom dahil sa mga tiyo’t tiya ko ,halos lahat ng mga nagpunta ay mga kamag anak naming.Wala akong naiisip kung hindi magpakasaya noong araw nayon.

Simula noong ako ay namulat sa mundo natuto akong mag gala kung saan saan minsan nga napaglitan ako ng aking ina at napalo ako dahil gabi na akong umuwi sa amin, Ang sabi pa nga niya sa akin batang bata ka pa marunong ka ng mag lakwatsa.Mula ng akoy’y lumaki nasa akin na ang katangian na malusog na pangangatawan,maputi ako at may singkit na mga mata.Naalala ko pa non may nag tanong sa aking mga tiya na kung ako daw ay taga ibang bansa,dahil napakamalan nila akong isang koreano noong ako ay labing isang taong gulang.

Madami akong mga tiya at tiyo sa probinsiya,ang iba nga sa kanila ay nakapangibang bansa na dahil sa hirap ng buhay sa probinsiya.Nakapag ipon naman sila ngunit sa kalaunay naubos din ang kanilang mga naipon dahil sa bilis ng pera na maubos.Ngayon nga nag hahanap sila ng trabaho,upang makatulong sa aking mga lolo’t lola.


Hindi ko di malilimutan noong namatay ang pinakaborito kong ninang dahil
Daw sa sakit na heartfailure.Nobyembre noon taong 2005 nung kinuha siya ni lord .Napakalungkot ko noon nung nawala siya at pag minsan naiisip ko bakit siya pa ang kinuha ni lord.napakabait niya at halos lahat ng magagandang katangian ay nasa kanya na.Narito ang litrato nung kasal niya, ako ay abay noon at lumuwas pa kami para lang makapunta sa kasal ng pinaka paborito kong ninang. 
Abay ako sa kasal ng paborito kong ninang.

Minsan ang buhay ng isang tao hindi maiiwasan ang may mahihirap na pagsubok kaya nga kailangan magtiyaga at magtiis para makaraos.Madami akong natutunan sa probinsya naming tulad ng pag tulong sa bukid nang aking lolo,tinuruan din ako ng aking mga tito na mag motor at sa susunod ko dawn a pag punta doon ay pag mamaneho naman daw ang ituturo sa akin.Ang pinaka hindi ko makakalimutang experience ay noong muntik na akong mahulog sa sapa dahil sa aking pinsan ,siya kasi ang pinag maneho ko noon hindi naman niya sinabi na hindi siya marunong kaya nag dirediretso kami buti nalang bigla niyang nakabig ang manibela ng motor.

Nung ako ay magtapos ng elementarya ay sobrang saya ko dahil akala ko noon makapag tapos lang ako nang elementarya pwede na akong mag trabaho,ngunit hindi pa pala madami pa pala akong kakaining bigas kaya pinagbubuti ko ang aking pag aaral.madami sa aking mga kaibigan ay sa pribadong paaralan pumasok.At nuo’y naiingit ako sa kanila pag nakikita ko sila.ngunit isang araw naisip ko maswerte na nga ako dahil nakakapag aral ako eh, ung iba nga diyan walang pagkakataong mag-aral dahil sa hira ng buhay ditto sa pilipinas.

Nagtapos ako ng elementarya sa central school.

Madami akong mga pangarap noon ang maging doktor ngunit sa paglipas ng panahon ito ay nag bago at nagging simple nalamang ang maging maayos lang ang buhay ko ay ayos na,yun bang mayroon akong sariling pamilya sariling bahay at mga ariarian kahit di masyado marami.Nang ako ay tumungtong ng sekondarya nahirapan ako sapagkat madaming bagong lugar at bagong pakikisama sa ibang kamag-aral at mga bagong guro.Nang magsimula ako sa pangalwang taon sa sekondarya nawala na ang kaba sa aking dibdib dahil tapos na ako sa unang pagsubok,at nang ako’y maging 3rdyear na meron na kaming J’S prom. Na pinakaaasam asam ng mga tulad kong junior ako ay sumali noon at isinayaw ko ang mga hinahangaan ko sa paaralan ,ngunit nahiya akong lumapit sa iba dahil ang liit ko pa noon at first time ko pa iyong  mag sayaw ng babae na madaming nanunuod.

 Walang buhay ang walang kwenta.Dahil mayroong iba na hindi ito pinapahalagahan,lahat ng ito ay makabuluhan.Tulad nalang ng akin akala ko dati hindi ako mahal ng aking mga magulang subalit ng ako ay mag ka isip naisip ko nalang na talaga pa lang walang magulang ang nag hangad ng masama sa aknilang mga anak.

 Ngayon ako ay labing limang taong gulang na at magtatapos na ako sa sekondarya ,madami akong hindi makakalimutang ekspiriens ko sa aking pag aaral sa highschool tulad nalang nitong paggawa ko ng aking sariling talambuhay.Nag ka remembrance pa ako nuong J’S naming dahil ako ang isinali n gaming guro sa Mr.J’S hindi ko naman akalaing ako ay mananalo sapagkat madami din naming mas pogi at maiitsura kaysa sa akin.Kahit minsan man lang sa aking buhay naubukan kong sumali sa ganong aktibidades.Ngayon ako ay nag iisip na nang kursong aking kukuhanin pag dating ng kolehiyo,maraming napasok sa aking isipan magulo na hindi ko malaman kaya nga nagaun ako ay hindi pa nakakapag desisyon kung anung kurso ang aking kukuhanin,at diyan nag tatapos ang aking talambuhay.
4thyear Jsprom.

Madami akong alaala na maiiwanan sa pagtatapos ko ng highschool,yung mapatawag ang magulang,mag cutting sa oras ng klase,ang umuwi ng gabi na marumi at pagod na pagod,pumasok ng late sa klase at mapagalitan ng guro dahil mayroong nagawang kamalian.At dito nag tatapos ang aking talambuhay simula pagka bata hanggang ako ay magbinata. 

Sana mabasa ninyo ang aking talambuhay sana nakakuha kayo ng kahit konting aral..^_^